SA kabila ng pagpapadala ng pinakamalaking delegasyon ng mga atleta sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand, pumang-anim lamang Pilipinas sa Medal Tally mula sa pang-lima noong nakaraang SEA games sa Cambodia.
Nagtapos ang Pilipinas nang may 50 gold medals, 73 silver medals at 153 bronze medals, para sa kabuuang 276 medals.
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Bago ang regional showcase, inihayag ng Philippine Olympic Committee na target nilang mapantayan o malagpasan ang 58 gold medals na nasungkit sa nagdaang 2023 SEA Games.
Sa kabila naman ng hindi pag-abot sa target, positibo pa rin ang tingin ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission sa kampanya ng Pilipinas sa 33rd SEA Games.
Sinabi ni POC President Abraham Tolentino na “very successful” para sa kanila ang SEA Games Campaign ng bansa.
Aniya, bukod sa maraming nabasag na records, nadepensahan ng mga atleta ang mga laro, at iyon ang mahalaga.
