NASA sampunlibong Minimum Wage Earners sa Eastern Visayas ang nakinabang sa Benteng Bigas Meron (BBM) Na Program simula ng ilunsad ito, apat na buwan na ang nakalipas.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), mula sa kabuuang recipients, pitunlibo ang nagta-trabaho sa Leyte habang tig-isanlibo limandaan mula sa Eastern Samar at Northern Samar.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sinabi ni DOLE Assistant Regional Director Joan Noya-Nidua na itinuturing na kaginhawaan ng Low-Income Workers ang murang bigas ng pamahalaan sa gitna ng lumolobong presyo ng pagkain at transportasyon.
Ang naturang inisyatiba ay Partnership sa pagitan ng Department of Agriculture-Food Terminal Inc. at ng iba’t ibang employers at kooperatiba sa rehiyon.
