ISANG babaeng guro ang nasugatan matapos barilin ng kanyang mister sa Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries sa Leyte.
Ayon sa Tanauan Municipal Police Station, agad namang nasakote ang suspek na batay sa nakalap na impormasyon ay isang taon nang hiwalay sa biktima.
ALSO READ:
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Mabilis naman naisugod sa pinakamalapit na ospital ang guro na tinamaan ng bala sa balikat at binti.
Selos ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen.
Sinuspinde naman ang klase sa naturang paaralan, kahapon, dahil sa insidente.
