NAGPATUPAD na ng Heightened Alert Status ang Civil Aviation Authority of the Philippines para sa lahat ng mga paliparan sa buong bansa bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa Undas.
Ayon kay CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul Del Rosario, inatasan ang lahat ng area managers na maghanda at istriktong ipatupad ang karampatang Safety and Security Measures para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
MMFF complimentary passes hindi pwedeng ibenta – MMDA
Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, suspendido sa Dec. 29, 2025 at Jan. 2, 2026
Arrest warrant laban kay Sarah Discaya at iba pang co-accused sa 96.5 million pesos na ghost flood control project, inanunsyo ni Pangulong Marcos
Ratipikasyon at transmittal ng Proposed 2026 National Budget, target sa Dec. 29
Sa pagtaya ng CAAP, nasa 5.8 million na pasahero ang bibiyahe sa mga paliparan sa bansa na mas mataas ng 7 hanggang 10 percent kumpara sa 4.8 million passengers na naitala noong 2024.
Kasabay ng pagtataas ng alerto, magtatalaga ng Malasakit Help Desks sa mga paliparan upang mabilis na matugunan ang hinaing ng mga pasahero.
Katuwang ng CAAP sa pagpapatupad ng seguridad sa mga paliparan ngayong Undas PNP-Aviation Security Unit, Office of Transportation Security, Department of Tourism, Civil Aeronautics Board, at ang mga Airline Company.
