BUMAGAL sa 1.1 percent ang inflation noong Pebrero kumpara sa 1.3 percent na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa press briefing sa Tacloban City, sinabi ni Supervising Statistical Specialist Zonia Salazar, na ito ang ika-apat sa pinakamabagal na inflation rate mula sa labimpitong rehiyon sa bansa sa ikalawang buwan ng 2025.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Aniya, ang regional inflation rate ay mas mababa kumpara sa 2.1 percent national inflation rate noong Pebrero.
Samantala, dalawa sa anim na lalawigan sa rehiyon ang nakapagtala ng mas mataas na inflation rate sa naturang buwan.
Kinabibilangan ito ng Leyte na umakyat sa 1.5 percent ang inflation rate mula sa 1.1 percent; at Biliran na nakapagtala ng 1.6 percent mula sa 1.1 percent.
