NAI-raffle na ng Supreme Court ang mga petisyon na inihain ng mga anak ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte para maibalik ito sa bansa makaraang dalhin sa the Hague, Netherlands.
Inihayag ni SC Spokesperson, Atty. Camille Ting, na alinsunod sa kautusan ng chief justice para sa special raffle, napunta ito sa isang member-in-charge for appropriate action.
Sa magkahiwalay na petitions for habeas corpus na inihain kahapon nina Veronica “Kitty” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, kapwa nila hiniling sa kataas-taasang hukuman na atasan ang gobyerno na pauwiin sa bansa ang kanilang ama.
Matapos arestuhin noong Martes, inilipad ang Dating Chief Executive sa the Hague, kung saan naka-base ang International Criminal Court, upang harapin ang kasong Crimes Against Humanity bunsod ng madugong war on drugs.
Iginiit ng magkapatid na Kitty at Baste na hindi dapat inaresto at ikulong ang kanilang ama, base sa warrant na inilabas ng ICC dahil wala naman itong hurisdiksyon sa Pilipinas.