BUMABA ang Net Inflows ng Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas sa pinakamababang lebel sa nakalipas na mahigit limang taon noong Setyembre.
Batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak ang FDI Net Inflows ng 25.93% o sa 320 million dollars noong Setyembre, mula sa 432 million dollars na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Ito na ang pinakamababang Monthly FDI Inflows sa loob ng animnapu’t limang buwan o simula nang maitala ang 314 million dollars noong April 2020.
Mas mababa rin ito ng 37.7% kumpara sa 514 million dollars noong Agosto.




