Iimbitahan na sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects si dating Cong. Zaldy Co.
Ayon kay Senator Panfilo Lacson, padadalhan ng invitation letter si Co, pero dahil nasa labas nga ito ng bansa, tiyak namang hindi ito makakasipot.
ALSO READ:
ICI at AMLC, pumirma ng kasunduan sa gitna ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Kapag hindi sumipot, sinabi ni Lacson na maaari na itong padalhan ng show cause order at kung hindi satisfactory, ay contempt order na at issuance ng warrant of arrest ang isusunod.
Samantala, sinabi ng senador na padadalhan din ng imbitasyon si House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ni House Speaker Bojie Dy.
Ito ay bilang pagtalima sa inter-parliamentary courtesy.