Tila nagparing sa gobyerno ang actor na si Dennis Trillo matapos siyang makapagbayad ng kaniyang buwis.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Trillo na nakabayad na siya ng kaniyang income tax noong isang araw – aniya, pwede na itong nakawin ulit.
ALSO READ:
Bago ito ay may post din sa kaniyang wall ang aktor na nagsasabing “sa dami ng nasangkot, hanggang ngayon ay wala pa ring nananagot”.
Umani ito ng reaksyon mula sa kaniyang followers.
Ayon sa mga comment ng netizens, mabigat sa kalooban na ang ibinayad na tax ay ibubulsa lang.
May mga nagsabi ding may pamasko na naman para sa mga buwaya.




