NAPANATILI ng Eastern Visayas ang 0.6 percent na Record-Low Inflation Rate simula Enero hanggang Nobyembre, na mababa sa Regional Development Plan Target, batay sa report ng Philippine Statistics Authority.
Sinabi ni PSA Region 8 Statistical Specialist Mae Almonte, na ang mababang Inflation ay maganda para sa low-income families subalit napakalaking setback para sa mga negosyante.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Ayon kay Almonte, sinimulan ng rehiyon ang taon na may 1.3 percent na Inflation Rate noong Enero hanggang sa bumaba ito ng negative 0.2 percent noong Hulyo.
Nakabawi naman ang rehiyon sa rate na 0.5 percent noong Oktubre at Nobyembre ngayong taon, mas mababa sa 2.1 percent na Inflation Rate na naitala noong November 2024.
