NAGLUNSAD ang Police Regional Office 8 (PRO-8) ng imbestigasyon sa umano’y pag-iinuman ng mga naka-duty na pulis sa loob ng isang police station sa Eastern Samar.
Ipinaalala ng PRO-8 na mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang pag-inom ng alak habang naka-duty at sa loob ng police premises, sa ilalim ng umiiral na PNP Rules and Regulations.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Binigyang diin ng Regional Police Office na hindi nila kukunsintihan ang anumang uri ng misconduct ng kanilang personnel.
Kasabay nito ay tiniyak ng PRO-8 sa publiko na kanilang tutugunan ang mga paglabag sa Rules and Regulations.
Sa post na kumalat sa social media, isang grupo ng mga pulis ang nag-iinuman sa isang police station sa Eastern Samar, na umano’y bahagi ng kanilang Christmas party.
