MULING nagkasama sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa isang special moment, nang dumalo sila sa piano recital ng kanilang anak na si Elias.
Ipinasilip ito sa publiko sa pamamagitan ng serye ng Instagram stories, kung saan ni-report ni Ellen ang mga litrato na orihinal na in-upload ng talent manager na si Van Soyosa.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Isa sa mga litrato ay nasa stage sina Ellen at John Lloyd, kasama si Elias na proud na hawak ang kanyang Certificate of Achievement matapos makumpleto ang kanyang recital.
Present din ang girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos na nagbahagi rin ng mga litrato at backstage video ni Elias mula sa recital, na ni-repost din ni Ellen sa kanyang stories.
