AALAMIN ng mga ahensya ng pamahalaan ang estado ng 37,474 na mga mag-aaral mula sa mahihirap na pamilya na nakalista sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) na nag-drop out sa mga paaralan sa nakalipas na academic year.
Sinabi ni Paula Unay, 4Ps Program Coordinator ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Eastern Visayas, na magsasagawa sila ng Extensive Case Management sa mga pamilyang mayroong mga anak na hindi pumapasok sa eskwelahan.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Kabilang sa mga posibleng dahilan na tinukoy ng DSWD ay early pregnancy, child labor, kawalan ng interes, at kawalan ng secondary schools sa kanilang mga komunidad.
Inihayag naman ni Department of Education (DepEd) Eastern Visayas Regional Director Ronelo Al Firmo na makikipagpulong sila sa mga opisyal ng DSWD upang pag-usapan ang problema.
