NAG-convene ang mga senador bilang IMPEACHMENT Court sa trial ni Vice President Sara Duterte.
Pasado ala sais kagabi nang manumpa ang mga senador.
Noong Lunes ng gabi ay nanumpa na si Senate President Chiz Escudero bilang presiding officer ng Impeachment Court.
Kahapon ay nag-motion si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senate Plenary na i-dismiss ang Verified Impeachment Complaint laban kay VP Sara.
Ginawa ni Dela Rosa ang mosyon sa kanyang privilege speech sa Plenary Session sa Senado.