MAHIGIT tatlunlibo pitundaang kabahayan ang nasira sa Eastern Visayas, kasunod ng pananalasa ng mga Bagyong Tino at Uwan, dahilan kaya daan-daang pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation centers.
Batay sa latest monitoring, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kabuuang 226 na kabahayan ang totally damaged, habang 3,490 ang nagtamo ng bahagyang pinsala sa iba’t ibang lugar na naapektuan ng magkasunod na bagyo.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Sa tala ng Regional Office, 661 families o 2,359 individuals ang kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers sa buong rehiyon bunsod ng Super Typhoon Uwan.
Kabilang dito ang 555 families sa Northern Samar, 105 families sa Leyte at isang pamilya sa Biliran.
Kabuuang tatlumpu’t dalawang evacuation centers ang nananatiling bukas para tanggapin ang evacuees.
