MAGTA-trabaho pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Christmas holidays, partikular na ang pagre-review sa Proposed 6.7-Trillion Peso Budget para sa 2026 na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.
Sinabi ni Presidential Communication Office (PCO) Secretary Dave Gomez, na ngayon pa lamang ay pinakilos na ng pangulo ang kanyang team para mag-facilitate ng immediate review sa lahat ng mga halaga at probisyon na napagkasunduan sa BICAM at hanapin ang mga ginawang pagbabago mula sa orihinal na isinumiteng National Expenditure Program.
Idinagdag ni Gomez na ang mabusising review ay bilang pagtiyak na gagastusin sa tama ang buwis ng taumbayan.
Kapwa pinalawig ng Kamara at Senado ang kanilang sesyon hanggang sa Dec. 30 para sa ratipikasyon ng BICAM-Approved Proposed 2026 Budget.




