HIHILINGIN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Local Government Units (LGUs) na ihirit sa mga mall owner na iwasan ang pagsasagawa ng sales, tuwing peak days, ngayong Holiday Season, upang maiwasan ang pagsisikip pa ng trapiko.
Paglilinaw ni MMDA Chairperson Romando Artes, hindi naman nila pinagbabawalan ang mga mall na magsagawa ng per store sales.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Aniya, nais lamang nilang bigyang diin ang kooperasyon, lalo na sa pagtugon sa pagdagsa ng shoppers na direktang nakaaapekto sa traffic.
Ginawa ni Artes ang pahayag, matapos nitong sabihin kamakailan na ang anim na oras na traffic congestion sa Marcos Highway, ay bunsod ng sabay-sabay na mall sales at uncoordinated na Truck Ban Policies.
