22 December 2025
Calbayog City
National

Wish ni PBBM sa pasko, good budget at mas maraming oras kasama ang pamilya

“GOOD budget.”

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung ano ang nais niyang makamit ngayong pasko.

Sa episode ng BBM podcast na ipinalabas, kahapon, sinabi ng pangulo na magiging maganda ang pasko kung mabibigyan ng legislature ng good budget ang bansa.

Matatandaang naging kontrobersyal ang 2025 National Budget dahil sa korapsyon at umano’y insertions, kung saan ilang mambabatas ang iniugnay sa mga anomalya.

Maging si Pangulong Marcos ay inakusahang sangkot sa assertions, na mariing pinabulaanan naman ng Presidential Communications Office at tinawag na fake news.

Target na malagdaan ang 2026 GEneral Appropriations Act sa Dec. 29.

Samantala, bukod sa pagkakaroon ng good budget para sa bansa, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya, sa kabila ng kanyang busy schedule.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.