SUMIKLAB ang Wildfire sa Aude Region ng France, malapit sa Border ng Spain.
Ayon sa Fire Brigade, nilamon ng naglalagablab na apoy ang nasa apatnalibo limandaang ektarya ng kagubatan.
ALSO READ:
1 pang sundalo ng Thailand, sugatan sa landmine malapit sa Cambodia
Australia, kikilalanin ang Palestinian State sa Setyembre
European Allies ng Ukraine, nagkaisang ipanawagan na isama dapat ang Kyiv sa anumang Peace Talks
US President Donald Trump, itinaas sa 50% ang Taripa sa India dahil sa pagbili ng Russian Oil
Sinabi ng tagapagsalita ng Civil Protection Agency na mahigit isanlibo dalawandaan at limampung mga bumbero ang idineploy sa lugar.
Inihayag ni President Emmanuel Macron sa X, na nagpapatuloy ang Wildfire, subalit ginagamit ng pamahalaan ang lahat ng kanilang resources para apulahin ang apoy.
Sa impormasyon mula sa Deputy Prefect sa Aude, dalawa katao ang nasugatan, kabilang ang isa na nasa seryosong kalagayan.