INILUNSAD ang Rice Derby Eastern Visayas 2024 ng Department of Agriculture o DA BEST RICE FARMS AND FARMERS sa Calbayog City, araw ng Miyerkules, July 17, 2024.
Nanguna sa mga dumalo sa Launching Ceremony ay si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, City Councilors, mga opisyal at kawani ng City Agriculture Office, Rice Seeds Company, Fertilizers Company, Farmers and Cooperatives.
ALSO READ:
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Responsible pet ownership, pinaigting pa sa Tacloban City
DOLE Region 8, planong magdaos ng karagdagang job fairs para sa mga nawalan ng trabaho sa imprastraktura
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang rice production sa lalawigan ng Samar partikular na sa Brgy. Danao Uno at Brgy. Pilar, kung saan isinagawa ang rice derby.
Inilunsad ang Rice Derby Launching sa Convention Center ng Calbayog sa pangunguna ng Samar Provincial Office.
