TATAAS ng halos P4 per Kilowatt Hour ang singil sa kuryente ng SAMELCO 1 para ngayong July billing.
Pangunahing dahilan ng power rate increase ayon kay Atty. Edson G. Piczon, ang General Manager ng SAMELCO 1, ay ang pagtaas ng singil sa line rental.
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Ang rental line ay ang pasilidad na dinadaluyan ng kuryente na binibili ng SAMELCO 1 mula sa Wholesale Electricity Spot Market(WESM).
Ayon kay GM Piczon, dahil sa increase ay magiging P14.2701 na ang per kilowatt hour ang singil sa kanilang residential customers; P12.8703 naman sa low voltage connection; habang P11.5248 sa Industrial o commercial connection.
Ipinaliwanag ni Piczon na hindi mapupunta sa kaban ng SAMELCO 1 ang dagdag singil kundi ipambabayad lamang din nila sa line rental na kalakip sa sinisingil na generation charge.
Ayon sa pinuno ng electric cooperative, may mga long term programs na silang nakalatag para maibsan ang impact ng line rental sa mga susunod na panahon.
Kabilang sa mga binanggit ni Piczon ay ang rehabilitation ng mini-hydro power plant, 1-Megawatt solar farm na nasa testing stage na ngan 3-megawatts solar farm construction.
