INANUNSYO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Lifetime Ban ang contractors na WAWAO Builders at SYMS Construction Trading na nasa likod ng Ghost Projects sa Bulacan.
Ginawa ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pahayag nang inspeksyunin nito ang isang Flood Control Project sa Barangay Sipat, sa bayan ng Plaridel.
Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Ang WAWAO Builders ang nasa likod ng Ghost Project na binisita ni Dizon sa Barangay Sipat, kahapon.
Idineklarang “completed” ang naturang proyekto noon pang 2024, subalit nang inspeksyunin ito ng kalihim ay sinabi ng contractor na kasisimula pa lang ng konstruksyon noong nakalipas na tatlong linggo.
Tinawag naman ni Dizon ang proyekto na “patay na pero pinipilit buhayin” dahil nabayaran na ito subalit dahil uminit ang isyu at kabi-kabila ang imbestigasyon kaya muling sinimulan.
