NAG-donate ang Korean Girl Group na TWICE ng 1 million Hong Kong dollars o 7.6 million pesos para sa recovery efforts matapos ang sunog na tumupok sa isang apartment complex sa Hong Kong.
Nov. 26 nang sumiklab ang sunog sa 32 storey na Wang Fuk Court Apartment Complex sa Tai Po District, na ikinasawi ng mahigit isandaan at limampu katao.
Bago ang two-night performance ng TWICE sa Kai Tak Stadium sa Hong Kong noong weekend ay inanunsyo ng agency ng grupo na JYP Entertainment sa social media platform na Weibo, na magdo-donate sila sa pamamagitan ng Hong Kong World Vision para tumulong sa mga naapektuhang mga bata at mga pamilya.
Inihayag ng JYP na gagamitin ang donasyon sa pagbibigay ng temporary shelters, psychological treatment, education at livelihood para suportahan ang mga biktima ng sunog.




