NAGSAGAWA ang Department of public Works and Highways (DPWH) ng limang oras na dry run sa San Juanico Bridge.
Nagsimula ito ng alas tres ng hapon, kahapon hanggang alas otso ng gabi.
ALSO READ:
Northern Samar at DOE, pinagtibay ang ugnayan para sa sustainable energy
Calbayog City Mayor Monmon Uy, bumisita sa Marikina City para sa benchmarking activity
2 sitio sa Leyte, napailawan na makalipas ang ilang taong kawalan ng kuryente
DTI, namahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga lugar na dating apektado ng mga bakbakan sa Leyte
Ito ay para subukin ang pagbabalik sa 15-Ton Load Capacity ng tulay, tatlong buwan matapos ang implementasyon ng 3-Ton Limit.
Ipinatupad ang Two-Way Traffic sa bilis na 30 kph, at pinayagang dumaan ang mga sasakyan na may bigat na labinlimang tonelada.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng paghahanda para sa official reopening ng San Juanico Bridge, bukas.
