NATAWA nalang si Vice President Sara Duterte nang kunin ang reaksyon nito sa pagkakatalaga kay Police Major General Nicolas Torre III bilang susunod na hepe ng Philippine National Police.
Pamumunuan ni Torre ang pambansang pulisya, kapalit ni PNP Chief Police General Rommel Marbil na nakatakdang magretiro sa June 7.
ICC Pre-Trial Chamber, posibleng desisyunan ang Fitness to Stand Trial ni FPRRD sa Enero
Antipolo Rep. Romeo Acop, pumanaw sa edad na 78
Labi ni Catalina Cabral, itinurnover na sa kanyang pamilya – PNP
Mga biyahero, dagsa na sa PITX, ilang araw bago ang Pasko; 100,000 pulis, magbabantay sa transport hubs sa gitna ng Christmas at New Year Exodus
Si VP Sara ay kasalukuyang nasa Netherlands, kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan, kasama ang kanyang ama na si Dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit sa The Hague sa kasong Crimes Against Humanity kaugnay ng madugong War on Drugs.
Si Torre na kasalukuyang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group, ang ground commander ng police team na nagsilbi ng International Criminal Police Organization Warrant para arestuhin ang dating pangulo noong Marso.
