Binigyang-pugay ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng gurong Pilipino sa bansa at sa ibang panig ng mundo ngayong ginugunita ang National Teachers’ Month.
Ayon sa bise presidente, sa mga guro nagmumula ang pundasyon ng mga kabataan at bahagi sila ng paghubog sa pagkakaroon ng critical thinking ng mga mag-aaral lalo ngayong laganap ang fake news, misinformation, disinformation at na layong manipulahin ang katatohanan at tama.
Hiling ni VP Sara sa mga guro, ihanda ang mga kabataan sa landas ng tama at katotohanan.
Sinabi din ng bise presidente na sa kabila ng mga hamon gaya ng crowded classrooms, limited resources, madaming workload, at iba pang mga problema ang papel ng mga guro ay itanim at palaguin ang pag-asa, pananampalataya, at pagmamahal sa mga mag aaral.
Kasabay ng mga hamon na ito ang pagsusulong sa tagumpay ng mga nangangarap na maging doktor, guro, abogado, pulis, at iba pang propesyonal.