ALL Systems Go na para sa 2025 Batang Pinoy Games na gaganapin ngayong buwan, sa kabila nang naramdaman ng host na General Santos City ang Magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental noong Biyernes.
Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na nasa Davao City siya nang tumama ang malakas na lindol.
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Aniya, binisita kasi nila ng University of the Philippines Mindanao, at hindi pa tapos ang Sports Stadium doon na magsisilbing Regional Training Centers.
Inihayag ni Gregorio na pagkatapos nito ay ininspeksyon naman nila ang paghahanda para sa 2025 Batang Pinoy Games.
Ayon sa PSC Chief, 21,000 athletes ang inaasahang lalahol at kung isasama ang mga magulang ay nasa 60,000 ang magiging Guests sa Gensan.
Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa Local Government at sa iba pang Relevant Agencies, gaya ng PNP, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard para sa kaligtasan at seguridad ng pinakamalaking Event para sa mga batang atleta.
Ang 2025 Batang Pinoy Games ay gaganapin simula Oct. 25 hanggang 31.