IBINUNYAG ni VIVAMAX Star Chelsea Ylore na isang mayor at isang senador ang nag-alok sa kanya ng malaking halaga ng pera kapalit ng “sexual favor.”
Ginawa ni Chelsea ang pagsisiwalat sa isang candid one-on-one interview sa podcast ng content creator na si Brian Babilonia.
Ibinulgar ng VIVAMAX actress na kumpara sa mga businessmen, mas marami siyang offers mula sa mga politiko.
Sinabi ni Chelsea na may naka-encounter siyang sikat na mayor at senador.
Hindi naman tinukoy ng aktres kung incumbent officials ang mga nag-alok sa kanya, subalit isang senador aniya ay nasa senate hearing kamakailan kaugnay ng flood control scandal.
Ayon pa kay Chelsea, ang mayor na nasa 50s hanggang 60s ang edad at mula sa Northern Luzon ay nag-alok ng 150,000 pesos para sa one-night stand.
Habang ang senador aniya ay nag-alok ng additional na 250,000 hanggang 300,000 pesos na tip bukod sa nauna nitong alok.




