Kinansela ng US Embassy sa Maynila ang mga naka-schedule na Visa Interview sa November 17 dahil sa nakatakdang religious rally sa lungsod.
Ayon sa abiso ng embahada, inaasahan ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing petsa dahil sa ipatutupad na road closures na direktang apektado ang mga lansangan sa palibot ng US Embassy.
PNP-DEG, nanindigang lehitimong shootout ang nangyaring Buy-Bust sa Quezon City
UPI, aminadong nilabag ang kasunduan sa kanilang Permit to Rally sa Quezon City
Hanggang 30% ng Metro Manila, malulubog sa baha pagsapit ng 2040, ayon sa pag-aaral
Babae, sugatan matapos mabagsakan ng drone sa ulo, sa Anti-Corruption Protest sa EDSA People Power Monument
Para sa mga apektadong nonimmigrant visa applicants, pinayuhan silang i-reschedule ang kanilang appointment sa pamamagitan ng online appointment system.
Nagbukas ang embahada ng dagdag na visa interview slots para ma-accommodate ang mga naka-schedule ng Nov. 17.
Tuloy naman ang mga appointment para sa Nov. 18 pero pinayuhan din ang mga mayroong schedule sa nasabing petsa na palagiang mag-check ng update sa US Embassy official Facebook.
