MULING iniluklok si Senador Vicente “Tito” Sotto III bilang Senate President kapalit ni Senador Francis “Chiz” Escudero.
Ginawa ni Senador Migz Zubiri ang Motion sa Plenary para i-deklarang bakante ang posisyon ng Senate president, na inaprubahan naman ni Escudero.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Ni-nominate ni Zubiri si Sotto na inilarawan niya bilang “Leader of Great Integrity” sa posisyon, na sinegundahan ni Senador Loren Legarda.
Samantala, iniluklok si Senador Ping Lacson bilang Bagong Senate President Pro Tempore kapalit ni Senador Jinggoy Estrada.
Si Zubiri naman ang bagong SEnate Majority Leader, kapalit ni Senador Joel Villanueva.
Sina Sotto, Lacson, at Zubiri ay pawang mga miyembro ng Senate Minority Bloc.
