Kasunod ng apela ni Senator Raffy Tulfo, agad naglagay ng dedicated lanes para sa mga estudyante sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT-2.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), bawat istasyon ay mayroon nang exclusive lane para sa mga estudyanteng mag-aavail ng 50 percent na diskwento sa pamasahe.
Sinabi ni DOTr Sec. Vince Dizon, mas madali na ang pag-verify sa mga estudyante at mas mabilis na din ang daloy ng pila.
Mahigit 1,300 na paglabag sa bahagi ng La Salle Green Hills, nahuli sa NCAP ng MMDA
Minimum Wage Earners, dapat bigyan din ng 50% discount sa LRT at MRT
Pumping Station sa Quezon City na itinayo ng DPWH sa Non-Building Area, pinagigiba ng LGU
Luncheon meat, beer galing China nakumpiska ng CIDG; 7 kabilang ang 5 Chinese arestado
Samantala, tiniyak naman ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) – ang pribadong kumpanya na nag-ooperate sa LRT-1 na magpapatupad sila ng mas maayos na sistema sa pagpila para maiwasan ang pagkaantala ng mga pasahero.
Magugunitang simula June 20, base sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay itinaas sa 50 percent ang diskwento ng mga estudyante sa MRT, LRT-1 at LRT-2 mula sa dating 20 percent.