TINATAYANG papalo sa record-high na 17.35 trillion pesos ang utang ng gobyerno sa pagtatapos ng 2025, ayon sa Department of Budget and Management.
Sa 2025 Budget of Expenditures and Sources of Financing, inaasahang lolobo ng 8.08% ang debt stock ng national government, mula sa projected na 16.06 trillion pesos na utang hanggang sa pagtatapos ng 2024.
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Malaking bulto nito ay manggagaling sa outstanding domestic debt, na inaasahang tataas ng 9.64% o sa 11.98 trillion pesos sa 2025 mula sa 10.92 trillion ngayong taon.
Tinatayang lolobo rin ng 4.47% o sa 5.38 trillion pesos ang outstanding external debt sa susunod na taon mula sa 5.13 trillion ngayong 2024.
Ipinaliwanag ni Budget Undersecretary Joselito Basilio na ang lumaking utang ay repleksyon ng massive loans na ginawa ng pamahalaan noong kasagsagan ng COVID-19 Pandemic.