OPISYAL nang sisimulan ni Jonnel Policarpio ang kanyang professional career matapos lumagda sa tatlong taong kontrata sa NLEX.
Kasunod ito ng kanyang desisyon na hayaan na lamang ang natitira pa niyang mga taon sa De La Salle University sa UAAP.
ALSO READ:
Akari, kumuha ng 3 bagong players bago ang PVL All-Filipino Conference
Pinay Tennis Star Alex Eala, naabot ang Career-High No. 49 matapos ang pagsabak sa ASB Classic
Rizal Memorial Tennis CENTER, sasailalim sa testing bago ang Philippine Women’s Open
Alex Eala, aabante sa ASB Classic Quarterfinals matapos patalsikin ang 1 pang Croatian ace
Inanunsyo ng Road Warriors ang pagpirma ni policarpio matapos opisyal na mapabilang sa franchise ang sixth overall pick sa rookie draft.
Tiniyak naman ng bente dos anyos na basketball player, na naka-isang season lamang sa Green Archers, na susuklian niya ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Head Coach Jong Uichico at buong pamunuan ng Road Warriors.
