HINDI maaring panoorin ng mga labing anim na taong gulang pababa sa mga sinehan ang inaabangang “Deadpool & Wolverine.”
Ito’y makaraang bigyan ng R-16 ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula na pinagbibidahan nina Ryan Reynolds at Hugh Jackman.
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Sa advisory, nakiusap ang MTRCB sa mga magulang na irekonsidera ang pagdadala ng menor de edad nilang mga anak sa mga sinehan para panoorin ang naturang pelikula.
Nilimitahan ang viewership dahil mayroon itong mature content, at ibinase ang classification sa iba’t ibang factors, gaya ng intense violence, graphic depictions of injuries, at gory scenes.
Ayon sa Disney, noong weekend ay kumita ang “Deadpool & Wolverine” ng 211 million dollars sa North American Theaters.
