IPINAGMALAKI ni US President Donald Trump na inalis nito ang Main Nuclear Sites ng Iran sa pag-atake sa pamamagitan ng malawakang bunker busting bombs, katuwang ang Israel, na lalo pang nagpaigting sa kaguluhan sa Middle East.
Sa televised address ni Trump, tinawag niya ang strikes na isang “spectacular military success” at binalaan ang Tehran laban sa paghihiganti, sa pagsasabing lalo itong mahaharap sa matinding pag-atake kapag hindi nakipagkasundo.
Tinawag naman ng Iran na tumugon lamang sa nuclear at military attacks ng Israel simula noong June 13, ang US attack na “grave violation” sa International Law na maaring magdulot ng “everlasting consequences.”
Tiniyak din ng Tehran na dedepensahan nito ang sarili, at tumugon ng missiles sa Israel na ikinasugat ng mga indibidwal at ikinasira ng mga gusali sa commercial hub sa Tel Aviv.