TINIYAK ni US President Donald Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na tutulong ang Amerika na magarantiyahan ang seguridad ng Ukraine sa anumang deal upang matuldukan na ang digmaan laban sa Russia.
Ginawa ni Trump ang pangako sa isang pambihirang pulong sa White House, bagaman hindi pa malinaw ang lawak ng tulong na ipagkakaloob ng US sa Ukraine.
Ginanap ang meeting ni Trump kay Zelenskiy at sa grupo ng European Allies, kasunod ng meeting ng US leader kay Russian President Vladimir Putin sa Alaska noong Sabado.
Inihayag ng US president na pagdating sa seguridad ay marami ang tutulong, kasama ang European Countries, dahil sila ang First Line of Defense.
Ang pulong kanina ay mas mahinahon kumpara sa matensyong Oval Meeting kung saan harap-harapang binatikos ni Trump at Vice President JD Vance ang Ukrainian leader noong Pebrero.