KINONDENA ng US State Department ang Brazilian Supreme Court Order na House Arrest para kay Former President Jair Bolsonaro, na nililitis dahil sa umano’y planong baliktarin ang resulta ng 2022 Presidential Election.
Nag-isyu si Justice Alexandre De Moraes ang Order, na nagsasabing nabigo ang ex-president na tumalima sa Restrictions na unang ipinataw sa kanya ng Korte, kabilang na ang paggamit ng social media at cellphones.
Lumabas ang desisyon ng Korte sa panahong tensyonado ang relasyon sa pagitan ng Washington at Brasilia, sa kaso laban sa Right-Wing Populist na si Bolsonaro.
Sa post sa X, inakusahan ng Bureau of Western Hemisphere Affairs ng US State Department si Justice Moraes na ginagamit ang institusyon ng Brazil para patahimikin ang oposisyon at inilalagay sa panganib ang demokrasya.
Nakasaad din sa post na ang pagdaragdag ng Restrictions sa abilidad ni Bolsonaro na depensahan ang sarili nito sa publiko ay hindi Public Service, kaya hayaan dapat itong magsalita.