Simula sa September 11 magagamit na ng mga Pinoy para sa emergency ang Unified 911.
Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government ang rollout ng Unified 911 na single hotline kapalit ng mahigit tatlumpung (30) local emergency numbers.
Ayon sa DILG, gamit ang Unified 911, bawat emergency call para sa pulis, fire department, medical, o disaster response, ay iisang number na lang ang tatawagan dahil kunektado na ang numero sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at local governments.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla, libre ang serbisyo ng 911 at available ito 24/7.
Idinesenyo din ito bilang language-sensitive kaya anuman ang dayalektong gamit ng caller gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, Tausug, at iba pa ay masasagot sa 911.