Pinangunahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagdaraos ng unang Inter-Agency Coordinating Conference para sa security preparations sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 28.
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, sumentro ang pulong komprehensibong threat assessment, security at safety preparations, deployment ng mga tauhan, at ang ipatutupad na traffic management plan.
Sina ni QCPD Acting Director Col. Randy Glen Silvio na inaasahan na ang mga kilos-protesta, pagtitipon, at iba pang aktibidad kaugnay ng SONA 2025 at umaasa ang kapulisan na maidaraos ito ng payapa at maayos.
Dumalo din sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa Presidential Security Group, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Metropolitan Manila Development Authority, Joint Task Force – National Capital Region, at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.