PINASALAMATAN ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa suporta ng Pilipinas sa kanilang territorial integrity at sovereignty.
Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa Malacañang, nagpasalamat si Zelenskyy sa posisyon ng Pilipinas sa pananakop ng Russia sa kanilang bansa.
ALSO READ:
PNP, Pinamunuan ni Chief Nartatez sa Malawakang Paghahanda Laban sa Super Typhoon Uwan
Mahigit 9,000 personnel, dineploy ng DPWH para sa Clearing at Emergency Operations para sa Bagyong Uwan
Halos 500K Food Packs naipadala na sa mga LGU; RORO, Cargo Fees at Toll libre na para sa Emergency Responders at sasakyang maghahatid ng Relief
5 Dam sa Luzon, nagpakawala ng tubig sa harap ng banta ng Bagyong Uwan
Binanggit din nito ang pag-boto ng Pilipinas pabor sa United Nations resolution na kumo-kondena sa Russian invasion.
Ikinagalak naman ni Marcos ang inilaang panahon ni Zelenskyy para bumisita sa Pilipinas sa kabila ng pinagdaraanang krisis ng kanilang bansa.
Umaasa rin ang Punong Ehekutibo na makahahanap sila ng mga solusyon sa mga isyung kinahaharap ng kani-kanilang mga bansa.
