7 February 2025
Calbayog City
National

Batas na magtataas sa teaching allowance ng mga guro sa 10,000 pesos, pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos

PINIRMAHAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magtataas sa teaching allowance ng public school teachers sa sampunlibong piso mula sa limanlibong piso.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” sa seremonya sa Malakanyang, kahapon.

Sa ilalim ng bagong batas, simula sa School Year 2025-2026 ay itataas na sa P10,000 ang taunang teaching allowance ng mga guro, at exempted ito sa buwis.

Magagamit nila ito sa pagbili ng teaching supplies at materials, incidental expenses, at iba pang gastos sa paraan ng pagtuturo o learning modalities.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo na ang batas ay makababawas sa araw-araw na pasanin ng mga guro, lalo’t may mga teacher umano ang ilang dekada nang humuhugot ng pera sa sariling bulsa para ipambili ng mga materyales sa classroom.

Kabilang sa mga dumalo sa ceremonial signing sina Department of Education Spokesperson Michael Poa, Senate President Francis “Chiz” Escudero, House Speaker Martin Romualdez, at iba pang mga mambabatas.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *