APRUBADO na ng House Committee on Higher and Technical Education ang panukalang batas na layong magkaroon ng Voucher System para matulungan ang mahihirap pero deserving na estudyante na nag-aaral sa mga pribadong kolehiyo.
Sa ilalim ng House Bill 4270 na inihain ng Tingog Party-List, ipinapanukalang maamyendahan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act na ang coverage ay limitado lamang sa State Universities and Colleges.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang Tertiary Education Subsidy ay palalawigin at sasakupin na ng tulong ang mga estudyante sa Private Higher Education Institutions.
Ang mga kwalipikadong estudyante ay makatatanggap ng ayuda hanggang sa sila ay makapagtapos sa kanilang kurso basta’t makakamit nila ang academic at residency requirements.




