PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang sumalubong sa mga motorista ngayong Martes.
Ito na ang ikapitong sunod na Linggong tumaas ang presyo ng gasolina habang ika-apat na sunod na Linggo sa diesel.
Nagpatupad ang oil companies ng dagdag na tig-piso at dalawampung sentimos sa kada litro ng gasolina at diesel. Wala namang adjustments para sa kerosene na nananatiling nasa ilalim ng Nationwide Price Freeze, kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity.




