INILABAS ng US Justice Department ang mahigit 240,000 pages ng mga dokumentong may kinalaman sa assassination ni Martin Luther King Jr.
Kabilang dito ang records mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI), na nag-imbestiga sa Civil Rights Leader bilang bahagi ng hakbang para Discredit ang Nobel Peace Prize Winner, at maging kanyang Civil Rights Movement.
Ang naturang files ay naka-post sa website ng National Archives, at sinasabing may mga susunod pang ire-release.
Nasawi sa pamamaril si King sa Memphis, Tennessee, noong April 4, 1968, habang isinusulong ang Nonviolent Campaign para sa pantay na karapatan ng African Americans sa Economic Issues at panawagan para sa kapayapaan.