Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang opisina ng Reiven Air Travel & Tours Consultancy OPC (Reiven), at ang kasabwat nitong recruitment agency na Reliable Recruitment Corporation (Reliable) sa Ermita, Maynila dahil sa kanilang pagkakasangkot sa illegal recruitment.
Batay sa imbestigasyon ng DMW, nagsasagawa ang Reiven ng recruitment activities sa loob mismo ng opisina ng Reliable, kabilang ang orientation para sa mga aplikanteng inaalok nila ng mga trabahong fruit picker, farmer, truck driver, at welder patungong Poland.
Ipinapangako ng dalawang kumpanya ang sahod na humigit-kumulang P90,000 at sinisingil ang mga aplikante ng halagang P70,000 bilang processing fee.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Sinabi ng DMW na nilabag ng Reiven ang itinakdang batas sa ilalim ng Republic Act No. 10022, na mahigpit na nagbabawal sa mga travel agencies na magsagawa ng anumang recruitment activities.
Mahaharap sa kasong illegal recruitment ang mga opisyal ng Reiven at Reliable, at isasama sila sa listahan ng mga mayroong Derogatory Record ng DMW.