23 July 2025
Calbayog City
National

Travel Bulletin ng China laban sa Pilipinas, kinontra ng DFA

KINONTRA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang babala ng China sa kanilang mga mamamayan laban sa pagtungo at pag-aaral sa Pilipinas bunsod ng umano’y “unstable” na seguridad sa bansa.

Pinalagan ito ng DFA sa pagsasabing, mali at hindi tugma ang Travel Bulletin na inilabas ng Chinese Ministry of Education noong July 18, sa tunay na sitwasyon sa Pilipinas.

Idinagdag ng ahensya na naipaabot na nila ang kanilang concern, sa pamamagitan ng Diplomatic Channels, at umaasa silang iwawasto ito ng Beijing.

Nabanggit sa advisory ng China na tumaas ang mga krimen na tumatarget sa mga Tsino sa Pilipinas, kabilang na ang umano’y madalas na panghaharas ng lokal na pulisya.

Iginiit ng DFA, lahat ng krimen, kabilang na ang kinasasangkutan ng mga dayuhan, ay tinutugunan ng mga awtoridad at tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Embahada.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).