23 August 2025
Calbayog City
Business

Transaksyon sa Online Gambling, bumagsak ng 50% mula nang i-ban sa E-Wallets

BUMAGSAK ng limampung porsyento ang transaksyon sa Online Gambling simula nang ipagbawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa E-Wallets ang pag-link sa Online Gaming Platforms.

Ginawa ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Al Tengco ang pahayag sa briefing sa operasyon ng State-Run Firm hinggil sa inaasahang kontribusyon nito sa panukalang 6.7-Trillion Peso Budget para sa 2026.

Sa pagharap ni Tengco sa House Committee on Appropriations, sinabi niya na simula noong Linggo hanggang Martes, ay bumagsak ng 50% ang Online Gaming Transactions.

Inamin din ni Tengco na marami pang kailangang gawin ang PAGCOR upang maiwasan ang pagka-adik sa sugal, lalo’t 40% lamang ng Online Gambling Providers ang mayroong lisensya na regulated ng kanilang opisina.

Sa impormasyon mula sa PAGCOR chief, kabilang sa Illegal Online Gaming Operators ay naka-base sa Russia, Dubai, Cambodia, at Singapore.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).