NASA magandang kalagayan ng PBA Season 49 Philippine Cup ang naghahangad ng grand slam na TNT Tropang Giga 5G.
Nasungkit ng koponan ang kanilang breakthrough win sa conference matapos padapain ang San Miguel Beermen, sa score na 89-84, sa kanilang paghaharap kagabi, sa Ynares Center, sa Antipolo City.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Pinangunahan ni Calvin Oftana ang Tropang 5G sa kanyang 23 points, 21 rebounds, 6 assists, 1 block, at 1 steal.
Nakapagtala rin si RR Pogoy ng 14 points habang nagdagdag ng 13 points Simon Enciso na dating Beerman.
