18 May 2025
Calbayog City
Business

27 inabandonang eroplano, aalisin sa NAIA

MAGLULUNSAD ang New NAIA Infrastracture Corp. (NNIC) ng major clearing operation para alisin ang dalawampu’t pito na inabandonang eroplano mula sa General Aviation Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa statement, iba’t ibang aircrafts ang nakatengga sa paliparan sa loob ng ilang taon, kabilang ang isang Cessna 421B na naka-park sa NAIA simula noong 2009.

Isang Boeing 737-200 din ang hindi na ginagamit simula noong 2015.

Ipinaliwanag ng NNIC na ang patuloy na presensya ng mga naturang eroplano ay labis na naglilimita sa kanilang operational capacity.

Idinagdag ng airport operator na ang pag-aalis sa mga nakatenggang eroplano ay magpapabuti sa kanilang airside traffic flow at magbibigay daan para ma-accommodate ang lumalaking passenger at aircraft movements sa NAIA.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.