PINANGALANAN ni Pacifico Discaya, may-ari ng St. Gerard General Contractor and Development Corporation ang ilang mga kongresista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at iba pang indibidwal na tumatanggap ng komisyon sa kanilang mga proyekto.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Discaya na hinihingan sila ng porsyentong hindi bababa sa 10 percent at umaabot pa sa 25% na naging kondisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kanilang mga kontrata.
Pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga tiwaling contractors, inirekomenda na sa Ombudsman
Senador Tito Sotto, muling iniluklok bilang Senate President kapalit ni Senador Chiz Escudero
Batas na magtatatag sa Bataan High School for Sports, pirmado na ni Pangulong Marcos
Baguio City Mayor Benjamin Magalong, lumahok sa kilos protesta kontra korapsyon
Ito anya ay binibigay nila ng cash at ang bawat transaksyon ay may karampatang Voucher at Ledger na nagsasaad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
Ilan anya sa mga ito ay sina:
Terrence Calatrava, Former Undersecretary of Office of the Presidential Assistant to the Visayas
Cong. Roman Romulo of Pasig City
Cong. Jojo Ang, USWAG Ilonggo Partylist
Congressman Patrick Michael Vargas ng Quezon City
Cong. Juan Carlos Arjo Atayde ng Quezon City
Cong. Nicanor Nikki Briones ng AGAP Partylist
Congressman Marcelino Marcy Teodoro ng Marikina
Congressman Florida Robes ng San Jose Del Monte, Bulacan
Congressman Leandro Jesus Madrona ng Romblon
Congressman Benjamin Benjie Agarao, Jr.
Congressman Florencio Gabriel Bem Noel ng An Waray, Partylist
Cong. Leody Ode Tariela ng Occidental Mindoro
Congressman Reynante Reynan Arogancia ng Quezon City
Cong. Marvin Rillo ng Quezon City
Cong. Teodoro Jaresco ng Aklan
Cong. Antonieta Yudela ng Zamboanga Sibugay
Cong. Dean Asistio ng Caloocan
Cong. Marivic Copilar ng Quezon City
Mayroon din anyang mga kinatawan ng ilang pulitiko na nakikipagtagpo sa kanila upang manghingi ng porsyento kapalit ng 25 porsyento ng mga proyekto. Ilan anya sa kanila ay sina:
Regional Director Eduardo Virgilio ng DPWH Region 5
Director Ramon Ariola III ng Unified Management UPMO
District Engineer Henry Alcantara, DPWH Bulacan First
Undersecretary Robert Bernardo
District Engineer Aristotle Ramos of DPWH Metro First Pasig City
District Engineer Manny Bulusan of DPWH North Manila, DEO
District Engineer Edgardo C. Pingol of DPWH Bulacan SUB-DEO
District Engineer Michael Rosaria of DPWH Quezon Second, DEO
Sinabi ni Discaya na karamihan sa mga naturang kawani ng DPWH ay paulit-ulit na binabanggit na ang delivery ng pera ay para kay Cong. Zaldy Co na dapat at least 25%.
Si Cong. Marvin Rillo naman anya ay ilang beses na binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan.
Sa tuwing umiinom din anya sila sa Wine Store, sa BGC, at EDSA Shangri-La Mall, sinasabi ni Cong. Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa Unprogrammed Funds at Insertion na inaaprubahan ni speaker.
Binanggit din ni Discaya na sa lungsad ng Pasig, lumapit sa kanya ang DPWH Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Cong. Roman Romulo sa Flood Control Projects noong 2022.
Nitong 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Cong. Roman Romulo kung saan 30% ang kanyang hiningi.
Ngayong taon, kasama sa pinangalanan ni Discaya na tumanggap ng komisyon ay sina:
Cong. Antonieta Yudela kasama ang kanyang asawa
Cong. Marvin Rillo ng Quezon City
Cong. Nicky Briones ng AGAP Partylist
Arturo N. Atayde, ama ni Cong. Arjo Atayde
Cong. Florencio Gabriel Bem Noel ng An Waray Partylist
Cong. Eliandro Jesus Madronia ng Romblon
Cong. Benjamin Benji Agarao Jr.